Nagka-ayos na sina Kris Aquino at ang kaniyang dating business partner na si Nicko Falcis. Ang dating magkaibigan, nagkaroon ng iringan hanggang sa mauwi sa demandahan.

"Ms. Kristina Bernadette C. Aquino, Mr. Nicardo M. Falcis II and Atty. Jesus Nicardo M. Falcis III have fairly settled all financial issues and amicably worked out all personal differences. To avoid any future misunderstanding, no further statement shall be forthcoming," ayon sa isang pahayag ng Divina Law, na ibinahagi rin ni Kris sa kaniyang Instagram post.

Sa kaniya pang post, nag-iwan din ang "Queen of All Media" ng mensahe:

"LEARN from YESTERDAY...LIKE TODAY...but above all, make sure to LOVE TOMORROW."

Ipinaliwanag naman ni Kris sa kaniyang followers na malaya silang pag-usapan ang nakasaad sa pahayag pero huwag lang sa kaniyang feed kaya in-off niya ang comment section nito.

"To permanently leave this chapter behind, and embrace all that lies ahead for me, comments for this post shall be turned off," saad ni Kris.

 

 

Nag-post din si Nicko ilang oras matapos na mag-post si Kris.

"Grateful for all the legal firms who have helped us and protected all of our mutual interests," caption ni Nicko.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Grateful for all the legal firms who have helped us and protected all of our mutual interests ???? ???? ????

A post shared by nix722 (@nix722) on

 

Nagsimula ang hidwaan nina Kris at magkapatid na Falcis noong Nobyembre nang akusahan ng celebrity endorser at talk show host ang kaniyang dating business partner ng paggamit umano nito ng kaniyang pera para sa mga personal na bagay.

Nag-udyok ito ng palitan nila ng mabibigat na pananalita sa press at sa social media na humantong na sa demandahan.

Inakusahan naman ni Falcis na pinagbantaan daw ni Kris ang kaniyang buhay sa kaniyang pagbalik sa Pilipinas galing Bangkok.

Nitong Pebrero, ibinasura ng Pasig City prosecutor ang mga reklamong qualified theft at violation ng Access Device Law na isinampa ni Kris kay Falcis.

Abril naman nang ibasura rin ng Quezon City prosecutor's office ang isinampang grave threats ni Falcis laban kay Kris.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News