Bibigyang tinig ng mga award-winning Kapuso drama queens ang mga pangunahing bida sa hit Korean TV drama series na "Sky Castle."

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV “Balitanghali” nitong Huwebes, sinabing bobosesan nina Sunshine Dizon, Angelika Dela Cruz, Chynna Ortaleza, at Lotlot de Leon ang ang mga karakter ng Sky Castle.

“Makikita niyo rito ang iba't ibang mukha ng mga nanay,” saad ni Chynna.

“That's what matters most if you're a parent maging maganda talaga ang future ng mga anak,” sabi naman ni Lotlot.

Mapapanood ang Sky Castle soon sa Kapuso Network.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News