May sweet na mensahe si Klea Pineda sa kaniyang "mas kinikilala pa" ngayong si Jeric Gonzales.

Sa kaniyang Instagram, binati ni Klea ang kaniyang "Magkaagaw" leading man dahil malapit na ring ipalabas ang kanilang Kapuso series.

"You don't know how amazing you are. Congrats! @jericgonzales07 You deserve it and I'm so proud of you! And of course, congrats to us! We've been waiting for this moment, and now it's finally happening," pagbati ni Klea kay Jeric.

 

Tinugunan naman ito ni Jeric: "Thank you ?? You inspire me so much. Congrats to us ????????"

Magkatambalan sila sa Magkaagaw, pero napapansin din kamakailan ang sweetness nina Klea at Jeric sa isa't isa na makikita sa kanilang social media posts.

Sa isang panayam, inilahad ni Klea na mas kinikilala pa niya muna si Jeric.

"Actually ngayon mas kilala na namin 'yung isa't isa kasi mas nag-uusap na kami... Happy kami sa ganu'n. Siguro baby steps natin, 'wag muna natin madaliin," anang aktres.

 

"Nag-a-ask na ako sa kaniya," sagot naman ni Jeric nang tanungin kung dini-date niya si Klea.

Ayon sa dalawa, nag-click sila dahil pareho nilang nakahiligan ang pagmo-motor at adventure trips, at naging mas close pa sila nang magsimula na silang mag-shoot ng mga eksena ng "Magkaagaw" sa Cebu. —Jamil Santos/LBG, GMA News