Isang mensahe ang ipinost ni Claudine Barretto na naging palaisipan sa kaniyang mga follower sa Instagram.

"Are you proud of who you have become?" saad sa post ng aktres.

Nakasaad naman sa caption nito na , "I hope not."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

I hope not.

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

 

Walang binanggit na pangalan na pinatutungkulan si Claudine pero nagdulot ito ng sari-saring espekulasyon sa kaniyang mga follower na iniuugnay sa hidwaan ng kaniyang mga kapatid na sina Gretchen at Marjorie.

READ: Gretchen Barretto, bumisita sa burol ng ama at mahigpit na niyakap ang kaniyang ina

Pinatindi pa ito ng napapaulat na umano'y kaguluhang naganap sa burol ng kanilang namayapang ama na si Miguel nitong Miyerkules, kung saan kabilang sa mga dumalaw ay sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Bong Go.

Bagaman nakitang nagyakap sina Gretchen at nakairingan din nitong ina na si Mommy Inday, sinasabing hindi naman naging maayos ang pagtatagpo nina Gretchen at Marjorie sa naturang lamay.—FRJ,  GMA News