Lumipad si "Kapuso OST Princess" Hannah Precillas sa Indonesia bilang isa sa mga kinatawan ng Pilipinas para sa music talent search na Dangdut Academy Asia 5.

Sa kaniyang Instagram, makikita si Hannah at ang iba pa niyang mga kasamang Pinoy na nagkita-kita sa Singapore bago lumipad patungong Jakarta.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

We are excited to see you Jakarta!! #DAA5 #DangdutAcademyAsia5 #Philippines #HannahPrecillas

A post shared by Hannah Precillas (@hanprecillas) on

 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Basic ???? Styled by @alberterlando #DAA5 #DangdutAcademyAsia5 #HannahPrecillas

A post shared by Hannah Precillas (@hanprecillas) on

 

Makikita rin si Hannah na inayusan ng kaniyang makeup artist para sa show.

 

 

Pagkarating ng Team Philippines sa Indonesia, sinalubong sila ng Indosiar, ang TV network na nagpapalabas ng D'Academy Asia 5.

Maliban sa Pilipinas, kasali rin na magpapakita ng husay sa pag-awit ang mga bansang Indonesia, Singapore, Thailand, Brunei, Timor Leste at Malaysia.

Ang bawat grupo ay binubuo ng limang miyembro, na magpapasiklaban ng kanilang mga talento sa pag-perform ng Dangdut music.

Tampok ng D'Academy Asia ang Dangdut, isang Indonesian pop music genre na may halong Arab at Malay folk influences.

Kasama na rin sa modernong dangdut ang mga impluwensiya ng pop music, Western rock, hip hop, R&B, disco at reggae.--FRJ, GMA News