Marami ang nakatawag ng pansin sa sweet photo nina Kapuso hunk Clint Bondad at Thai trans woman na si Anne Jakrajutatip na lumabas sa social media kamakailan. Sa pagsagot ni Anne sa ilan niyang followers, nilinaw niya ang isyu tungkol sa kanila ni Clint.

Ayon kay Anne, na chief executive officer ng isang media company sa Thailand, walang romantikong namamagitan sa kanila ni Clint, at mayroon na siyang sariling "soulmate."

Dahil sa agwat ng kanilang edad, itinuturing daw niyang "little brother" si Clint, at parang "big sister" naman siya.

Nang i-post ni Clint ang larawan nila ni Anne, nilagyan niya lang ito ng caption na "my side kick."

 

 

Pero umani na ito ng iba't ibang reaksyon sa mga follower ng actor-model.

READ: IG post ni Clint Bondad na kasama ang isang Thai trans woman, umani ng iba't ibang reaksyon

Mayroon mga natuwa, may pumuna at may nagpahayag na mas boto pa rin sila sa dating kasintahan ni Clint na si Miss Universe 2018 Catriona Gray.-- FRJ, GMA News