Hinahangaan si Iya Villania na isang mahusay na TV host at actress sa Pilipinas, pero alam ba ninyo na mahusay din siyang mang-aawit? Katunayan, naging front act singer siya noon sa Sydney, Australia kapag nagtatanghal ang mga sikat na Pinoy entertainer.

Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Iya Villania ang kaniyang kabataan sa Sydney, Australia kung saan siya isinilang at lumaki. Ikinuwento rin Chika Minute host kung anong mga gawi ng pagiging "Aussie" ang dala pa rin niya hanggang ngayon sa Pilipinas.

Panoorin ang video. --Jamil Santos/FRJ, GMA News