Dumalaw ang ilang  GMA Network executives sa burol ng ama ni Michael V.  sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes,  nakiramay kay Bity sina GMA Network Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe Gozon at GMA Executive Vice President and Chief Financial Officer Felipe Yalong.

Nitong Lunes pumanaw ang ama ni Bitoy sa edad 77 dahil sa cancer.

Bukod sa pagiging masayahin at makulit, masayang ikinuwento ng Kapuso comedy genius na namana niya sa kanyang ama ang pagiging artistic niya.

Sabi ni Bitoy ang kaniyang ama ang nagturo sa kaniya na mag-drawing.--FRJ, GMA News