Nang maghanap ng bagong host para sa showbiz segment na "Chika Minute" ng GMA News "24 Oras," marami ang ikinonsidera pero ang energetic na si Iya Villania ang napili. Pero pag-amin niya, natakot siya noon na tanggapin ang trabaho. Alamin kung bakit.

"At first, I was scared. Una, dahil sa Tagalog. Pangalawa, hindi ko kaya to be on the same show as Mel Tiangco, Sir Mike, Ms Vicky,"  paglalahad ni Iya sa programang "Tunay Na Buhay."

"I was scared na I would ruin the show," dagdag ni Iya na ipinanganak at lumaki sa Australia.

Pero iba ang tingin ni Vicky Morales sa pagkakasama ni Iya sa "24 Oras."

"Si Iya masayang tao 'yon na katrabaho. She brings a lot of positive energy to the set and I think important talaga 'yun. Ang sasama na ng balita tapos medyo pa glum ka pa so maganda na na-a-uplift niya mga tao dito," ayon kay Vicky.

Panoorin ang buong bahagi ng naturang episode ng "Tunay Na Buhay."-- Jamil Santos/FRJ, GMA News