Nagdaos ng isang banal Misa sa huling gabi ng burol ng yumaong ama ni Michael V. sa Loyola Memorial Chapel sa Commonwealth, Quezon City.

Dinaluhan ito ng mga kaanak, kaibigan at mga kasamahan ni Bitoy sa "Bubble Gang," ayon sa Star Bites report ng GMA News "Balitanghali" nitong Sabado.

Nakatakda nitong araw na bumiyahe pa-Bacolod ang urn ng ama ni Bitoy.

Nagpasalamat ang comedy genius sa lahat ng nagdasal sa kaniyang tatay dahil naniniwla aniya siya sa power of prayers.

Namaalam ang tatay ni Bitoy sa edad na 77 dahil sa cancer. —Jamil Santos/LBG, GMA News