Enjoy ang fans sa concert ng International pop star Carly Rae Jepsen sa  Manila leg concert ng "The Dedicated Tour."

Sa opening number sinalubong ng fans si Carly ng nakabibinging hiyawan at tilian.

At sa kalagitnaan ng concert, nagtopless pa ang banda ni Carly.

All out naman si Carly sa pagperform ng kanyang hits tulad ng mga kantang “Call Me Maybe,” “ I really like you,” “party for one,” “run a way with me” at marami pa.

Ito na ang pangatlong pagtatanghal ni Carly sa bansa 

Taong 2013 at 2015 ang huling concert ng Canadian singer. — BAP, GMA News