Nagbahagi si Lovi Poe tungkol sa kaniya ngayong rumored boyfriend na si Montgomery Blencowe o "Monty," na nakilala niya noong magbakasyon sa Amerika.

"He's a very private person. Ang masasabi ko lang is he's a very nice person, such an old soul, mabuting tao," kuwento ni Lovi sa "Tunay Na Buhay."

Nagkakilala sina Lovi at Monty nang magbakasyon ang aktres sa Los Angeles, California nang limang buwan.

Aminado siyang mahirap ang isang long-distance relationship.

"Mahirap kasi nandoon siya, malayo siya, 'yung time difference namin. Pero buti na lang parehas kaming busy," ani Lovi.

Samantala, patuloy na ipinakikita ni Lovi ang kaniyang mabuting loob sa pagtulong sa mga batang nangangailangan sa pamamagitan ng organisasyong Childhope Foundation.

"Turn something bad or something painful into something positive kasi at the end of the day, 'yung mga pagsubok na dumadaan sa buhay mo, papalakasin ka lang niyan for a bigger responsibility in the future," ang aral ng tunay na buhay ni Lovi.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News