Sa programang "Tunay Na Buhay," binalikan ni Lovi Poe ang kaniyang showbiz career, na nagsimulang mapanood sa mga Kapuso shows hanggang sa makakuha ng mga parangal.

Ilan sa mga naging memorable kay Lovi ang Kapuso series na Someone to Watch Over Me at pelikulang "Sagrada Familia" kung saan nanalo siyang Best Actress sa FAMAS noong 2009.

Hindi rin malilimutan ni Lovi nang makatrabaho niya si Ms. Maricel Soriano para sa teleseryeng "Ang Dalawang Mrs. Real," at sinabing isang karangalan na masampal ng "Diamond Star."

Alamin sa video na ito ang iba pang most memorable projects para kay Lovi. Panoorin.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News