Break muna sa kani-kanilang trabaho ang mga Kapuso stars at GMA News and Public Affairs TV and radio personalities para makisaya at nakipagkulitan sa "Havana nights" GMA Thanksgiving Party nitong Huwebes ng gabi.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GMA News TV "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing dumalo sina Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, Queen of Creative Collaboration Heart Evangelista, at Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

"We’re very thankful and siyempre sana maging consistent, sana every year may ganito," sabi ni Alden.

"Thankful kami sa aming mga bossing na hindi naman ito trabaho pero siyempre nandito kami para mag-mingle, mag-enjoy at makilala pa lalo ang isa’t isa," saad ni Dingdong.

"Siyempre, kahit busy ka gagawan mo talaga ng paraan kasi bihira lang talagang mag-gather ng halos lahat ng artista na nandito,"para naman kay Marian.

Present din sa havana themed na party ang iba pang Kapuso stars at mga Kapuso leading men na suot ang kanilang floral outfit.

Dumalo rin ang executives ng Kapuso Network na pinangunahan nina Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon, President and COO Gilberto Duavit Jr., EVP and CFO Felipe Yalong, GMA Films President Atty. Annette Gozon, GMA Senior Vice President for News and Public Affairs Marissa Flores at GMA Chief Marketing Officer and Head, Sales and Marketing Group Lizelle Maralag.

"Tonight, there is no officer, there is no artist. Everybody is the same equal. This is GMA's way of showing that each and every artist is important to the network. We will always be behind you. We are proud of you and your achievements," sabi ni Atty. Gozon.

Naging isa sa highlights ng gabi ang kantahan na pinangunahan nina The Clash Season 1 winners Golden Canedo at Jong Madaliday.

Samantalang naki-party rin onstage ang maraming iba pa.

 


--Jamil Santos/FRJ, GMA News