Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," inilahad ng beteranang aktres na si Gladys Reyes na hinahangaan niya ang mga young actors at actresses na katrabaho niya ngayon sa Kapuso series na "Madrasta."

Kabilang rito ang mga bidang sina Juancho Trivino, Arra San Agustin at Thea Tolentino.

"Wala akong masabi sa mga bata ngayon, sa mga actors ngayon, seryoso sila sa craft nila. Talagang inaaral nila 'yung eksena. Minsan tuhog-tuhog kami pero wala silang reklamo," ani Gladys.

Kabilang din sa series ang mga young actors na sina Phytos Ramirez, Isabelle de Leon, Kelvin Miranda, Faye Lorenzo at Anjo Damiles.

"Kung ano ang ipagawa ni direk Monti (Parungao) para sa ikagaganda ng scene, kahit minsan kailangan ulitin para doon sa magandang shot, kailangan ulit maglabas ng emosyon, wala kang maririnig na reklamo sa kanila," dagdag pa niya. — Jamil Santos/DVM, GMA News