Mula sa 64 na kalahok, 12 na lang ang natitira para maglaban-laban sa titulong "The Clash" grand winner sa ikalawang season ng singing competition ng GMA.

Ang 12 natira ay sina Jeniffer Maravilla,  Antonette Tismo,  Thea Astley,  Tombi Romulo,  Janina Gonzales,  Sassa Dagdag,  Lorraine Galvez,  Al Fritz,  Clark Serafin,  Aljon Gutierrez,  Jerimiah Tiangco, at Nef Medina.

Sabi nina Clash Masters Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, deserving ang mga nakapasok sa top 12 dahil magagaling silang lahat.

Masaya naman ang "Clashers" sa naabot nila sa kompetisyon.--FRJ, GMA News