Bagaman nakapasok sa top 8 ng 2019 Miss International pageant, bigo pa rin ang pambato ng Pilipinas na si Bea Patricia Magtanong na maiuwi ang korona.

Sa speech competition na ginanap sa Tokyo, Japan nitong Martes, ipinunto ni Bea kung bakit kailangan mabuhay ang mga babae nang natatakot sa karahasan at diskriminasyon, ayon sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team."

Dapat daw tanggalin ang mga hadlang para maabot ng mga babae ang kanilang buong potensyal.

"Why should women live in fear of harassment, violence and discrimination when basic human decency calls for respect tolerance and compassion?" saad ng 25-anyos na beauty queen mula sa Bataan.

Giit niya, dapat suportahan ang lahat ng kababaihan anuman ang kaniyang lahi, relihiyon, o pagkakakilanlan.

"Miss International does this by fostering a culture of women empowerment and gender equality and through this platform we can ensure that no woman anytime anywhere is left behind," patuloy niya.

Ang pambato ng Thailand ang itinanghal na bagong Miss International, habang First Runner Up si Miss Mexico, na sinundan nina Miss Uganda, Miss Colombia at Miss United Kingdom.

Narito pa ang ilang special awards:

Miss International Oceania - Miss Hawaii
Miss International Africa - Miss Libera
Miss International Asia - Miss Thailand
Miss International Europe - Miss Netherlands
Miss International America - Miss Peru

--FRJ, GMA News