Hindi man naging happy ending ang relasyon nila noon, inihayag ng comedianne si Kakai Bautista na mas mabuti nang magkaibigan silang muli ng Kapuso actor na si Ahron Villena.

"Pero kasi, feeling ko kasi, ang ganda ng nangyari na kahit ganoon na naging sensational kasi, mas maganda 'yung relationship namin ngayon as friends, gano'n. Hindi na kami nahihiyang magsabi ng kung anu-anong mga bagay," kuwento ni Kakai sa "Mars Pa More."

Ayon pa kay Kakai, may pangako si Ahron sa kaniya na siya na ang pakakasalan ng aktor kung wala pa itong asawa sa edad na 35.

"Tsaka nangako siya eh, nangako siya na kapag 35 na siya tapos wala pa siyang asawa, ako na talaga pakakasalan niya," kuwento ni Kakai.

"Magti-32 na. Oy bilisan mo ha mag-35 ha!" anang komedyana.

Matatandaang naging usap-usapan na nagkaroon sina Kakai at Ahron ng relasyon noon.

Ngunit hindi naging maganda ang takbo ng relasyon nila, nang i-delete ni Ahron ang mga larawan nila ni Kakai sa Instagram.