Hindi napigilan ni Nanay Sally na sisihin ang kaniyang mga kasamahan kung bakit hindi nila nakuha ang Mega Jackpot sa "Wowowin."

Ramdam na raw niyang nasa loob ng napiling kahon ang Mega Jackpot, pero nasunod pa rin ang desisyon ng kaniyang mga kasama na pera na lamang ang piliin.

Para raw sa kaniyang pakonsuwelo, nagpa-picture na lang si Nanay Sally na hawak ang dokumento ng bahay at cheke ng P1 million, kahit hindi nila ito napanalunan.

Panoorin ang video sa baba:

— Jamil Santos/MDM, GMA News