Laking tuwa ng isang babaeng residente sa El Nido, Palawan nang maka-duet niya sa isang simpleng karaoke bar ang kaniyang idolong si Ben Adams ng British boyband na A1.

Sa video post ni Edith Rodriguez, makikitang kinakanta nila ang isa sa mga hit song ng A1 na "Like a Rose."

"I'm always [sic] been a fan of !a and especially you! This is such a memorable day for me! Yay!!" saad ni Edith sa post, na labis ang pasasalamat kay Ben.

Sa isa pang post, itinuring ni Edith na "dream come true" na makasama niyang kumanta ang British singer-songwriter.

Nag-post sin si Adams sa kaniyang Twitter account tungkol sa 'surprise duet' niya kay Edith.

 


Napadaan lang daw siya sa lugar at naisipan niyang makikanta sa karaoke bar.-- FRJ, GMA News