Sa "Count To Ten" segment ng Studio 7, sinagot ni Mark Herras ang mga maiinit na tanong tungkol sa mga babaeng na-link sa kaniya noon. Sino kaya sa kanila ang gustong yakapin ng aktor, ang hindi niya malilimutan, at kanino siya naging "bad boy."

Ayon kay Mark, kay Jennylyn Mercado siya hihingi ng tulong sakaling ma-kidnap siya at mangailangan ng ransom. Samantala kay Ryza Cenon naman daw siya naging "bad boy" noon.

Sinagot din ni Mark kung sino kina Nicole Donesa, Winwyn Marquez at Jennylyn ang isasama niya sa buwan, sa mall at sa isang isla sakaling magka-zombie apocalypse. Panoorin at alamin kung sino-sinu pa ang mga na-link noon kay Mark.


 

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News