Sa programang "Tunay Na Buhay," natupad ang isa sa mga hiling ng may kapansanan sa paglalakad na si Ponciano "Apon" Garcia, na makita ang kaniyang idolong si Alden Richards.

Dahil sa kaniyang kondisyon, lagi lang sa loob ng bahay si Ponciano at tanging telebisyon ang kaniyang libangan. At ang madalas daw niyang pinanonood ay ang "The Gift," na pinagbibidahan ni Alden.

Kaya naman dinala ng "Tunay Na Buhay" si Ponciano sa set ng serye at doon siya sinorpresa ni Alden na may inihandang personal na regalo sa kaniya. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News