Wish come true para kay Julie Anne San Jose na makatrabaho sa awitin ang itinuturing "Father of Philippine Christmas Carols" na si Jose Mari Chan.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras," sinabing kabilang si Julie Anne sa mga napili ni Jose Mari na mapabilang sa pool of artists para sa album na "A Perfect Christmas."

"We sang Christmas In Our Hearts 'yon yung song na kinalakihan ko; 'yon yung song na ginagamit namin for carolling," masayang sabi ni Julie Anne.

Bukod kay Julie Anne, kasama ang iba pang Pinoy artists tulad ng grupong Ben and Ben, I Belong To The Zoo, at  December Avenue.

Itinuturing na mentor ni Julie Anne si  Jose Mari  Chan lalo na pagdating sa pagsulat at pag-compose ng kanta.

Samantala, inihayag din ni Julie Anne na first time raw ng pamilya niya na ise-celebrate ang Pasko sa labas ng bansa.

Sa Japan daw magpapasko sina Julie Anne at first time niyang makakakita ng snow. --FRJ, GMA News