Isang palaboy na lalaki na nag-aaruga ng mga asong palaboy ang nabigyan nang maayos na tirahan sa tulong ng Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Sa Instagram post ng PAWSsion Project, ipinakita ang ilang larawan nang salubungin nila sa bago niyang tirahan na gawa sa kawayan ang lalaking kinilala bilang si Kuya Jun, kasama ang kaniyang aso.

"Today was totally a happy, emotional, heartwarming and life changing day as we officially welcomed Kuya Jun and his dogs to the shelter. HOMELESS NO MORE!" saad ng PAWSsion Project.

Nakilala ni Heart si Kuya Jun sa Gilmore, Quezon City habang hinahanap noon ng aktres ang nawala niyang aso na si Casper.

Humanga si Heart kay Kuya Jun dahil nagawa niyang kalingain ang mga asong palaboy sa kabila ng kaniyang kalagayan na wala ring tirahan.

Nag-tweet pa noon ang aktres kung saan makikita si Kuya Jun at ang kaniyang mga alaga.

 

 


Ayon sa PAWSsion Project, hiniling ni Kuya Jun ay damit para sa pagsisimba at lugar na mauuwian nila ng kaniyang mga aso.

"He had the simplest wishes, just a place where he can be with his dogs, and clothes he can use to go to church," sabi PAWSsion.

"We were all in tears when he cried for joy seeing his home and everyone else at the shelter giving him the warmest welcome," dagdag nila. "He said, everyday, he prays for a home for him and his dogs and we thank God for using all of us as His instruments."

Natupad na ang panalangin ni Kuya Jun sa tulong ni Heart at ilan pang may mabuting kalooban.

"Thank you @iamhearte for helping us give him a home. It was all because of you that we now have this amazing new member of our family. God really is amazing to have used all of us in making this happen."

Pinasalamatan din nila ang model na si Kit Barraquias na nagbigay kay Kuya Jun "pangkabuhayan showcase" at mga volunteer na kasamang tumulong para matupad ang kahilingan ng lalaking mapagmahal sa aso.

"Thank you to our dearest volunteers for all the help since day 1 and everyone else who helped one way or another!! We all did it! So so happy for Kuya Jun and his dogs and for everyone. It is an experience we’ll forever treasure. Indeed, God makes all things beautiful in His time WELCOME TO THE FAMILY KUYA JUN!"

Makikita naman sa isang Facebook post ang ginawa nilang pagsorpresa kay Kuya Jun.


Nag-post din si Heart larawan ni Kuya Jun na masayang kasama ang mga aso sa kanilang bagong tahanan.

"Welcome to your new life," sabi ni Heart.

 

 


--FRJ, GMA News