Sa pagpunta ni Iya Villania sa Mexico kamakailan para makapanayam ang mga bida sa bagong installment ng Hollywood film na "Jumanji: The Next Level," nakatikim din ang Chika Minute host ng buwis-buhay na adventure.

Ayon kay Iya,  mas matinding adventure, humor at aksyon daw ang dapat asahan sa third sequel ng Jumanji, na pangungunahan ng mga bidang sina Dwayne Johnson, Jack Black, at Kevin Hart.

Perfect daw para sa buong pamilya ang naturang pelikula kung saan mas peligroso raw ang haharapin ng mga karakter na sina Martha, Bethany at Fridge para sagipin ang kanilang kaibigang Spencer na bumalik sa mundo ng Jumanji.

Ipinaramdam din sa mga mamamahayag ang excitement at action sa aming adventure trip sa Wild Canyon, kung saan dumaan pa sila sa napakataas na hanging bridge.

Doon, susubukan ni Iya ang kaniyang kauna-unahang bungee jump. Kakayanin kaya o  aatras ang TV host-actress? Panoorin ang video. --FRJ, GMA News