"I have accepted myself for who I am." Ito ang bahagi ng pahayag ni Michelle Madrigal sa kaniyang video post kaugnay sa desisyon niyang ipatanggal na ang kaniyang breast implants.

Inanunsyo ito ng aktres sa kaniyang YouTube channel, kung saan sinabi niyang 12 hanggang 13 taon na niyang dala-dala sa dibdib ang mga implant.

Inamin ni Michelle na nagpadagdag siya ng dibdib dahil insecure siya noon at hindi kontento sa kaniyang katawan. Hanggang sa mapagtanto niyang hindi pa rin naman maaalis ng implant ang kaniyang insecurity.

"If I knew back then that having larger breasts or whatever enhancement you've done, it's not really going to fix any issues inside," anang aktres.

Nakararamdam din daw ng pananakit sa dibdib si Michelle. At nang magsaliksik, nalaman daw niya na may mga kababaihang may breast implant ang nakararanas din ng kaniyang nararamdamang sakit.

"They are very uncomfortable. When I train, sometimes I can't even do some of the exercises because I feel like it's pushing up... even when I run sometimes. When I'm in bed I would just have random chest pains, like a sharp, stabbing pain," ani Michelle.

"I just want this out of my system. It doesn't serve me anymore. Yes in my younger years all I cared about is my looks, time to look cute, whatever, trying to boost up your confidence," sabi pa niya.

 

 

Ngunit ngayon, nasa ibang yugto na si Michelle ng kaniyang buhay at tanggap na niya ang sarili.

Taong 2017 nang isilang ni Michelle ang anak nila ni Troy Woolfolk na si Anika.

"Just enjoy what God has given me. And it will be a good journey to start now because I'm 31 and I just wish I knew what it was like to live, you know, my teenage years, early 20s without them."

Gusto pa raw maging healthy ni Michelle kapag 50 na siya at nakikipag-bonding pa kay Anika.

Sinabi ni Michelle sa kaniyang IG post na isasagawa ang explant surgery sa December 10.

Panoorin kung ano ang maipapayo ni Michelle na nakare-relate rin sa kaniyang pinagdadaaanan.-- FRJ, GMA News