Sa programang "Mars Pa More," ipinakita ng former SexBomb dancers na sina Aira Bermudez, Johlan Veluz at Mia Pangyarihan na wala pa rin silang kupas nang idaan nila sa sayaw ang kanilang tagumpay at heartbreak sa buhay.

Si SexBomb Aira, ikinuwentong kailangan pa rin niyang mag-perform sa stage sa isang show kahit kaka-break pa lang niya sa kaniyang boyfriend. Nairaos naman ito ni Aira kahit maluha-luha at sumasakit ang ulo at baywang niya.

Panoorin kung paano niya idinaan sa sayaw ang kaniyang karanasan.


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News