Sa programang "Tunay Na Buhay," ibinahagi ni Polo Ravales kung papaano siya nakapasok sa showbiz na nagsimula lang sa paglalakad sa isang mall at nakita ng isang writer sa isang teleserye.

"Kasi 'yung manager ko at that time, si RJ Nuevas, he is the writer for "Anna Karenina." One time nakita niya ako sa mall tapos 'yon, nu'ng makita niya ako, kinuha niya akong artista tapos isinulat niya ako agad dun sa Anna Karenina," kuwento ni Polo.

Mula noon, nakasama na si Polo sa iba pang teen-oriented GMA show tulad ng T.G.I.S., at nakasabayan niya sina Dino Guevarra, Kim delos Santos, Chubi del Rosario, Anne Curtis, Dingdong Dantes, Antoinette Taus, at katambal niya si Sunshine Dizon.

Alamin kung ano ang masasabi ni Sunshine tungkol kay Polo, at ano ang aral ng tunay na buhay ng aktor. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News