Sa programang "Tunay Na Buhay," inilarawan ni Derek Ramsay ang relasyon nila ni Andrea Torres, at kung bakit si Andrea na ang kaniyang "The One."

"Relaxed. Super relaxed. Talagang ang effort to try and get to know each other is just happening," saad ni Derek tungkol sa relasyon nila ni Andrea nang makapanayam ng host na si Pia Arcangel

"We're officially together. We're committed to one another. The path that we're going is a straight line, it's not left, right, even going [down]," dagdag ni Derek.

Ayon sa Kapuso actor, "good sign" na sa tuwid na direksyon nila tinatahak ang kanilang relasyon.

Prangkahan namang tinanong ni Pia si Derek kung si Andrea na ang kaniyang "The One."

"Ooohhh... Yes. That's most definitely," sagot ng aktor. "In my 40 years, I've never had a relationship where everything is just swak."

Inamin nina Derek at Andrea ang kanilang relasyon nitong Setyembre sa pagtatapos ng kanilang serye na "The Better Woman."

"Masaya! Masaya ako. Parang everyday, nilu-look forward ko kasi alam kong makagagawa na naman kami ng mga bagay together, nakahanap din ako ng best friend, ng partner," sabi naman ni Andrea.

Sinagot din ni Derek ang iba pang tanong tulad ng: Ano ang nakakatawag ng kaniyang atensyon sa isang babae?" Panoorin ang bahagi ng naturang panayam sa video na ito ng "Tunay Na Buhay."--FRJ, GMA News