Hindi inasahan ng "Wowowin" contestant na si Grace at kaniyang nobyong si Ibo na bibigyan sila ni Kuya Wil ng pera upang magamit sa kanilang kasal. Dahil dito, biglang nag-propose si Ibo kay Grace pero wala siyang dalang singsing. Panoorin kung papaano nilutas ni "Hipon Girl" Herlene ang problema.

Una rito, humanga si Kuya Wil sa ipinakitang pagmamahalan ng dalawa nang malaman niyang nagkaroon ng anak sa unang lalaking minahal si Grace.

Pero kahit nagkaanak, naging desidido pa rin si Ibo na mahalin si Grace.

Dahil kay Ibo, sinabi ni Grace na nalaman niya na may lalaki na handa talagang magmahal ng mga babae kahit nagkaanak na. At dahil kay Ibo, binuhay daw nitong muli ang kaniyang mundo.

Panoorin ang nakakikilig na tagpo sa "Wowowin" at nakatutuwang proposal na ginamitan ng singsing na papel. May madamdamin din mensahe sa isa't isa sina Grace at ang kaniyang napakasipag na ina.

Click here for more Wowowin videos:


--FRJ, GMA News