Sa tagal nang panahon na magkahiwalay, kitang-kita ang pananabik ni Theora Aira sa kaniyang amang si Super Tekla na niyakap niya nang mahigpit nang mag-guest sila sa programang "Mars Pa More."

WATCH: Komedyanteng si Tekla, 'pinaiyak' ng kaniyang ama

Ayon kay Tekla, may isang taon din silang hindi nagkasama dahil nais niyang tapusin muna ng anak ang elementarya sa kanilang probinsiya at saka niya ito kukunin para sa Maynila na mag-high school.

Panoorin sa video na ito ang madamdaming mensahe ng mag-ama sa isa't isa


Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News