Isang mainit na welcome ang sumalubong kay Rachelle Ann Go mula sa Kapuso stars sa muli niyang pagbisita sa GMA Network.

Kabilang sa mga sumalubong kay Rachelle sina Christian Bautista at Aicelle Santos, pati ang iba pang All-Out Sundays cast na sina Derrick Monasterio, Golden Cañedo, Shayne Sava, Ken Chan, Mavy at Cassy Legaspi, Rayver Cruz, Kyline Alcantara at marami pang iba.

Mapapanood si Rachelle bilang guest sa All-Out Sundays sa Enero 19. — Jamil Santos/DVM, GMA News