Handa raw maghintay si Ruru Madrid sa mga proyekto at maging sa lovelife.

"Willing to wait pa rin, I think siguro 'yan 'yung right projects and at the same time, of course love life. I mean, kailangan mong hintayin 'yan eh," sabi ni Ruru sa isang video ng GMANetwork.com.

"Dati agresibo ako eh, pagka may gusto ako talagang ibubuhos ko lahat. Pagka may naisip akong gawin, gagawin ko na lang agad. Pero I think bawat bagay kailangan mong maghintay sa tamang pagkakataon dahil lahat ng mga bagay may right timing," dagdag pa ng aktor.

Inalala pa ni Ruru ang isang pagkakataon na pinagbawalan siyang manligaw at kailangan niyang hintayin ang tamang pagkakataon.

"When it comes to personal, nangyayari din. I mean, siyempre tayo nai-inlove tayo and then sometimes, kumbaga pagbabawalan tayo na manligaw or what, pero kailangan mong maghintay sa tamang pagkakataon para gawin mo 'yun."

Dagdag pa ni Ruru, "Kailangan mong makuha 'yung approval ng parents niya, 'yung ganiyan. So nangyayari naman 'yan sa kahit anong bagay ang maghintay."

Naging usap-usapan noong nakaraang taon na may namamagitan umano kina Ruru at Bianca Umali. Gayunman, wala pa silang pormal na pag-aamin tungkol dito. — Jamil Santos/DVM, GMA News