Dahil marami na ang celebrity ang nagiging engaged, natanong si Barbie Forteza kung sunod na kaya siyang tatanungin ng kaniyang nobyo na si Jak Roberto ng, "Will you marry me?"

Sa panayam ng showbiz press, sinabi ni Barbie na napag-uusapan lang nila ni Jak ang tungkol sa engagement o kasal kapag nagbibiruan.

"Kunyawi may nakikita ako sa Instagram na mga singsing, sini-send ko sa kaniya, mga ganun," natatawang kuwento ng aktres. "Sasagot siya [Jak], 'O ano 'yan?"

Minsan naman kung hindi sila nagkikita dahil sa trabaho, magpapadala raw sa kaniya ng mensahe si Jak na magpakita naman sa kaniya. Pero bibiruin daw niya ito kunwari na busy siya tungkol sa anak.

Sa kabila na nasa stage pa lang sila ng biruan tungkol sa paglagay sa tahimik, sinabi ni Barbie na natutuwa siya dahil kahit papaano ay nakiki-consider na nila na maging magkasama in the future.

Nang tanungin naman kung kailan niya planong magpakasal, sinabi ni Barbie na kapag "financially stable" na siya at kung age na lang talaga ang kaniyang iniisip.

"Mga 28 [years old] ganun," sabi ni Barbie.

Inilahad din niya na nais niya ang isang garden wedding garden at hindi niya gusto na magsuot ng long gown. Hangga't maaari, nais daw niyang maging relax at chill lang ang kaniyang kasal tulad ng relasyon nila ni Jak.

Gusto rin niya ma-break ang rules mga kasalan na programa muna bago ang kasal dahil gusto raw niya na kainan na kaagad pagkatapos ng kasal.

"Para maintindihan nila yung mga sasabihin," natatawa niyang paliwanag.--FRJ, GMA News