Dahil ipinanganak sila sa Year of the Metal Rat, ilang Kapuso celebrities ang makatatanggap umano ng blessings ngayong 2020. Pero paalala isang Feng shui consultant, mayroon din silang mga dapat na pag-ingatan.

Sa "Unang Hirit," sinabi ni Feng shui consultant na si Suzette Arandella, na "very stable" ang relationship ni Marian Rivera sa asawang si Dingdong Dantes, at dalawang anak na sina Zia at baby Ziggy.

Magiging marami rin umano ang offer sa career si Marian, pero uunahin muna niyang mag-slowdown at mag-focus sa family.

Si Sanya Lopez naman na ipinanganak noong 1996, "slowdown" pagdating love life dahil sa "fear." Pero mayroon umano itong mga admirer at magkakaroon ng maraming offer sa career.

Magiging challenging naman ang love para kay Paolo Contis kaya pinayuhan siyang huwag maging mainitin ang ulo at bigyan ng panahon ang love life.

Ayon kay Arandella, panahon na ni Paolo na magbukas ng business o bumili ng investment. Magiging problema umano ni Paolo ang kaniyang driving pagdating sa health.

Si Manilyn Reynes naman, "smooth sailing" pagdating sa love life. Mayroon din siyang programang magdadala ng success sa kaniyang career.

Kailangan lamang daw na maging maingat si Manilyn sa kalusugan, partikular sa kaniyang lungs.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News