Magpapasaya ang K-pop boy group na Winner at ang  Girls' Generation member na si Tiffany Young sa Pinoy fans sa kani-kanilang event nitong Sabado.

Sa ulat ng Saksi ng GMA News nitong Biyernes, sinabing ikatlong beses na ni Tiffany na bibisita sa Pilipinas.

Nagpasalamat siya dahil laging mainit ang pagtanggap sa kaniya ng kaniyang Filipino fans.

Idadaos ang "Open Hearts Eve" concert ni Tiffany sa New Frontier Theater.

 

 

Samantala, sa Mall of Asia Arena naman gaganapin ang concert ng Winner, na sinalubong ng naghihiyawang fans sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 nitong Biyernes.

 

—Jamil Santos/KG, GMA News