Nagpanggap si Miss International 1979 Melanie Marquez sa dalawang clown na inimbitahan niya na malungkot siya sa araw ng kaniyang kaarawan dahil walang dumating na bisita. Nagulat pa ang dalawa nang magkunwari si Melanie na nawawala ang kaniyang pustiso.

Ang hindi nila alam ng dalawang clown na nagsimula nang magtaka, na nabiktima sila ng prank sa "The Boobay and Tekla Show." Panoorin ang masayang eksena sa video na ito at kung saan nakita ang nawawala kunwaring pustiso.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News