Inihayag ni Marian Rivera ang sobrang kasiyahan sa bagong achievement ng kaniyang mister na si Dingdong Dantes na isa na ngayong Lieutenant Commander bilang Philippine Navy reserve.

"Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res)," saad ni Marian sa caption ng mga larawan na kaniyang ipinost sa Instagram.

"Super proud of you my husband... Salute! (heart emoji)" dagdag ng aktres.

 

 

Ayon pa kay Marian, pangarap talaga ng kaniyang asawa na magsilbi sa bansa.

"Kung nakita mo, medyo teary-eyed siya, kasi talagang pangarap niya talaga ‘yon,” pahayag ni Marian sa GMA News Online kaugnay sa ginanap na donning of rank ceremony na dinaluhan din ng mga magulang ni Dingdong.

"Siguro alam naman ng lahat na sa Yes Pinoy [foundation] na noon pa man ay tumutulong na talaga si Dingdong," dagdag pa ni Marian.--FRJ, GMA News