Smooth at very relatable ang bagong single ni Ruru Madrid na "Maghihintay."

Composed ng songwriter na si Mark Atienza, tungkol ang "Maghihintay" sa isang taong mayroong minamahal, pero dama niyang hindi pa panahon para umamin.

Ayon pa sa lyrics, umaasa ang lalaki na magiging sila pa rin ng kaniyang iniibig hanggang sa dulo.

"Hindi siya hugot na masakit, makakapag-bigay siya ng hope. Masarap pakinggan, feel-good. Para siya sa mga taong hoping doon sa taong gusto nila makasama habambuhay," sabi ni Ruru.

Inilabas ni Ruru ang kaniyang debut single na "Nawawala" noong nakaraang taon sa ilalim din ng GMA Music.

Pinaghahandaan ni Ruru ang kaniyang pagbabalik-TV sa News and Public Affairs program na "Lolong" kung saan makakasama niya sina Sanya Lopez at Kim Domingo.

Mapakikinggan at available na sa Spotify, Apple Music, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide ang "Maghihintay." â€”Jamil Santos/KG, GMA News