Inihayag ni Meryll Soriano ang pagiging proud niya sa amang si Kuya Willie Revillame, na higit pa sa pagiging host ang ginagawa sa "Wowowin."

"I think matagal na siyang beyond bilang host. I think even outside of the studio, he's himself kasi eh, even on-stage and off-stage so 'yun nga eh, parehas 'yung treatment niya sa tao sa studio tsaka sa labas," saad ni Meryll sa isang video ng GMANetwork.com.
 
Patuloy niya, "Hindi siya fraud, wala siyang facade, it's really him. So whoever you watch on television is who he really is in person."

Kaya naman naniniwala si Meryll na may kakaibang karisma sa tao ang kaniyang ama.
 
"So I think may magic talaga 'yung papa ko, meron siyang certain charm because it's sincere, most importantly it's sincere, it's genuine so nakikita 'yun ng tao at nararamdaman 'yun ng tao. And I think sobrang amazing nu'n," dagdag pa ng aktres.

Sa halip na kasiyahan at tawanan, pagtulong muna sa mga nasalanta ng Bulkang Taal ang itinampok ng "Wowowin" nitong Lunes na birthday special celebration episode para kay Kuya Wil.

Ipinakita ni Kuya Wil ang buong studio na puno ng donasyon mula sa Wowowin, mga sponsor at mga nagmalasakit.

"Sobrang powerful. I got to watch the show, sobrang powerful. It's the first time I've seen the studio empty. You're always so used to the noise, of the music, of everybody dancing and for the first time I've encountered something so quiet, and I think it's really powerful. He's that kind of person who would help and it's the best day for that. Ang galing talaga, nakakabilib," komento ni Meryll sa kawanggawa ng kaniyang tatay.

Panoorin ang touching na birthday message ni Meryll para sa ama niyang si Kuya Wil.



--FRJ, GMA News