Ngayong may-asawa na, mismong si Princess Velasco na raw ang nagsabi sa kaniyang mister na huwag na siyang bigyan ng mga bulaklak tuwing Valentine's Day dahil alam niyang mahal siya nito kahit wala nang mga regalo.

"You know what, kami ng husband ko... Valentine's, pinapalipas lang namin din tsaka ayaw naming makigulo sa gulo ng Valentine's. I always tell my husband 'Don't buy me flowers kasi it's so expensive, it's so overpriced," kuwento ni Princess sa GMA News Online kasabay ng release ng bago niyang single na "Ikaw Nga."

"Siyempre noong nililigawan niya ako dati, nag-e-expect din ako. Sorry ganoon ako dati. Nag-e-expect talaga ako ng flowers sa kaniya, and nasanay siya doon. Pero the past few years, sabi ko, 'Huwag ka nang bumili.' Hindi na niya talaga ako binibilihan. At hindi naman ako na-hurt, kasi sinabi ko talaga na huwag niya ako bilhan, kasi sobrang mahal," dagdag ng OPM Acoustic Princess.

Para kay Princess, mas mahalaga ang presensya nila sa isa't isa sa kabila ng pagiging busy sa trabaho.

"So we just make sure to be together during Valentine's Day. He's so busy with work. Minsan 'pag sa work kasi may trabaho 'pag Valentine's eh. So busy din ako sa work, sometimes we make sure na on that day, we see each other, spend a little time together, and then we celebrate another day like the day after, or the day before the Valentine's na hindi masyadong magulo, hindi masyadong ma-traffic, hindi masyadong agawan sa restaurants."

Dahil araw-araw naman silang nagkikita at nagsasabihan ng "I love you" sa isa't isa, "just another day" na lang ang Valentine's Day para sa kina Princess at sa kaniyang asawa.

"Iba na kasi 'pag may anak ka eh, minsan hindi kayo nakakapag-usap na kayong dalawa lang, nag-i-interupt 'yung makukulit, 'di ba? So 'yun lang, siguro tatakas lang kami for a little bit, like doon lang kami sa neighborhood na malapit na restaurant or kahit sa baba lang, doon kami sa dining, kakain lang kami ng simpleng pagkain, just to talk lang and spend time together," sabi ni Princess.

Sandaling nawala sa music scene si Princess nang maglaan siya ng oras sa kaniyang pamilya. May dalawa na siyang anak ngayon sa asawa na si Dr. Mark Herbert "Bistek" Rosario, na sina Kobe at Milo.

Kahit noong mag-boyfriend at mag-girlfriend pa lang, "bongga" na raw kung magmahal ang kaniyang asawa.

"Siguro kasi, pinaramdam niya sa akin 'yun before. Like noong nag-propose siya sa akin noong naging mag-boyfriend pa lang, may proposal na siyang bongga. Tapos noong na-engage kami bongga na naman. So he's very romantic. Kumbaga, nabusog na niya ako doon noong nililigawan pa lang niya ako," anang singer.

"So ngayon, I actually tell him na you don't have to anymore. Parang, 'asawa mo na ako eh, alam kong mahal mo ako, na-prove mo na 'yan. Sa lahat ng pinagdaanan namin, na-prove na namin sa isa't isa. So hindi ko na kailangan ng fun fare, kumbaga," sabi pa ni Princess.

Ini-release ni Princess ang bago niyang single na "Ikaw Nga" na revival ng sikat na kanta ng South Border.

Kaya para kay Princess, para sa mga babaeng mahilig kumanta ang version niya ng "Ikaw Nga."

Mapakikinggan ang "Ikaw Nga" sa iba't ibang digital stores worldwide.

--FRJ, GMA News