Umani ng maraming puso mula sa netizens ang photo ni Baby Shiloh bilang si Agane, ang karakter ng kaniyang inang si Rochelle Pangilinan sa "Encantadia."

Sa Instagram ni Rochelle, ikinuwento niya ang kaniyang inspirasyon para bihisan ng "Little Agane" ang kaniyang 11-month-old baby.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

AVISALA. #happy11monthSHILOH #Agane #mylittleAGANE #Encantadiavibe

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) on

 

"Doon sa Encantadia na role ko as Agane, hindi ako tumigil na... 'Yun talaga, kakapanganak ko pa lang gagawin ko sa kaniya 'yan. So 'yung gumawa nito, sila talaga 'yung gumawa sa costume ko ng Agane," paliwanag ni Rochelle sa programang Mars Pa More.

"Pero 'yun pala 'yung plano ko talaga, pagdating niya ng 11th month, ito talaga pang-finale niya," dagdag pa ng former SexBomb member.

Nakaplano na rin raw ang pictorial ni Baby Shiloh para sa kaniyang unang kaarawan.

Isa itong mini-Snow White outfit, na isusuot daw ni Baby Shiloh sa Pebrero 24.--Jamil Santos/FRJ, GMA News