Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," kumasa si Kate Valdez sa "Jojowain o Totropahin" challenge kung saan inihayag niya kung sinong Kapuso actors ang gusto niyang maging boyfriend at maging kaibigan lang.

Kabilang sa kaniyang mga pinagpilian sina Alden Richards, Gil Cuerva, Ken Chan at Manolo Pedrosa.

Kasabay nito, umamin din si Kate na kinikilig siya kapag kaeksena niya ang isang Kapuso leading man, na kaniya raw jojowain kung single ito. Panoorin. — Jamil Santos/DVM, GMA News