Sa Kapuso online exclusive interview, inihayag nina Kyline Alcantara at Yasser Marta, na magkatambal sa "Bilangin ang Bituin sa Langit" ang first impression nila sa isa't isa.

"Ah lalayuan ko 'to," natatawang sabi ni Kyline tungkol sa katabi niyang si Yasser.

"Marami akong kaibigan. So kung mayroon mang ano sa 'yo [na 'di maganda] malalaman ko agad.  'Yun yung una kong naisip," dagdag pa ng young star.

Pero pag-amin ni Kyline, nagkamali siya.

"Mali naman pala ako. Sobrang friendly naman pala ni Yasser," sabi ng aktres.
Si Yasser naman, sinabing ang pagiging makulit ni Kyline ang una niyang napansin.

“Una 'yung personality mo talaga, sobrang kulit mo noong una nating pagsasama,” sabi ni Yasser kay Kyline.

“Tapos parang ang tagal na [nating] magkakilala. Sobrang open na namin,” dagdag niya.

Kilalanin pa lalo ang dalawa sa palitan nila ng tanungin sa video na ito.


--FRJ, GMA News