Napansin ng American superstar na si Jennifer Lopez ang husay sa pagsayaw ng isang grupo ng Pinoy dance group sa Cebu City.

Sa video, bigay-todong paghataw sa #jlotiktokchallenge ng grupo ni Daryl Alindao mula sa Cebu City, habang tumutugtog ang hit song ni JLo.

Hindi naman nasayang ang kanilang effort dahil bukod sa napansin sila ni Jennifer,  i-shinare pa ng Latina Diva sa Instagram ang kanilang video at nilagyan ng papuring "love it!"

Dahil dito, wala raw mapagsidlan ng tuwa ang grupo sa ginawa ng kanilang idolo.--FRJ, GMA News