"Yes, we got married."

Ito ang kinumpirma ni Matteo Guidicelli sa kaniyang Instagram post tungkol sa napabalitang kontrobersiyal na kasalan nila ni Sarah Geronimo noong February 20.

READ: Matteo, 'binira' umano sa lalamunan ang bodyguard na nagtimbre sa ina ni Sarah tungkol sa kanilang 'kasal'

Gayunman, itinanggi ni Matteo na may sinuntok siya sa araw ng kanilang kasal.

Ang naturang post ay may kasamang larawan nila ni Sarah na may hawak na champagne glass. Sabi ni Matteo,  "it was a day full of pure love, honesty, and genuine emotions."

“Yes, we got married. Mr. and Mrs. Guidicelli,” panimula niya sa caption.

Sa panibagong yugto ng kanilang buhay, sinabi ni Matteo na pinili nilang maging intimate as possible" ang kasal  "because of private matters.”

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

02 20 2020, A day full of pure love, honesty and genuine emotions. Yes, we got married. Mr and Mrs. Guidicelli. First and foremost, We would like to express the overwhelming joy, love and excitement we have in beginning our life together. We decided to keep everything as intimate as possible because of private matters. Each and everyone of you have been part of our love journey and we want to say, Thank you. Friends, family and everyone on “social media” have been a source of inspiration, strength, and most importantly, of LOVE. That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never “punched” anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family. I would like to say thank you to my family for loving Sarah like a daughter. Our family is growing and we are blessed. Papa and mama, thank you for deeply loving and welcoming Sarah into our family. In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place. We are happy, we are blessed, and we are husband and wife! Let’s always celebrate life and love! Nothing will ever defeat pure honest LOVE. God bless everyone for your love and support! Again, from the deepest part of our hearts thank you! Sincerely, Mr and Mrs. Guidicelli #family #BLESSED #HappywifeHappyLife #G022020

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog) on

 

Nagpasalamat din siya at sinabing, "That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry. I never ‘punched anyone.”

Pangako ni Matteo, paninindigan at poprotektahan niya ang kaniyang asawa, "just as how my father would protect my whole family."

Pinasalamatan din ng aktor ang kaniyang pamilya dahil sa pagtanggap at pagmamahal na parang anak kay Sarah.

Sa huli, hindi nawawalan ng pag-asa si Matteo na maayos din ang lahat kung anoman ang gusot na naganap.

"In time, with God’s grace and Love, everything will heal and fall into place," saad niya. "We are happy, we are blessed, and we are husband and wife!"

Matatandaan na nitong nakaraang Biyernes ay iniulat na sinuntok umano ni Matteo ang bodyguard ni Sarah dahil sa hinala umano ng aktor, ito ang nagsabi sa ina ni Sarah na si Mommy Divine tungkol sa kasal kaya dumating ito sa venue sa isang hotel sa Taguig.

Ang naturang insidente ay ipina-blotter ng bodyguard sa pulisya pero hindi naman nagsampa ng reklamo laban sa aktor.--FRJ, GMA News