Sinubukan ni Mary Pacquiao kung ano ang magiging reaksyon ng kaniyang amang si Senator Manny Pacquiao kapag inamin niya na kunwaring may nobyo na siya.

Sasabwat pa ni Mary sa naturang prank ang kaniyang inang si Jinkee.

Sa YouTube channel ni Mary, mapanonood na kunwaring pinagagalitan ni Jinkee si Mary at sinabi niya kay Manny na may boyfriend na ang kanilang anak.



Isang kalmado pero tila hindi na komportable si Manny nang usisain niya ang anak tungkol sa lalaki. Tinanong niya kung kailan pa siya nagkaroon ng relasyon at sino ang lalaki.

"Pangalan niya is Prank!," nakatawang sagot ni Mary sabay yakap sa kaniyang ama.

Kamuntikan na raw nagalit si Manny pero nauwi naman ito sa kanilang kulitan bago matulog.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News