Inilahad ni Gil Cuerva ang dahilan ng hiwalayan nila ng kaniya ngayong ex-girlfriend, at nagbigay siya ng mensahe rito.

Sa programang "Mars Pa More," natanong si Gil kung ano ang pinakamalala niyang nagawa na naging dahilan ng hiwalayan ng relasyon.

"Magsinungaling. True to life magsinungaling. At saka all forms. Whether small na lie or big lie, 'yan din 'yung naging cause," sagot ni Gil.

Natanong din ang aktor kung ano naman ang pinakamalalang ginawa sa kaniya ng kaniyang dating partner.

"Wala, wala siyang kasalanan. She was good to me. Yeah, wala siyang kasalanan, promise," anang Kapuso leading man.

Matapos nito, nag-iwan si Gil ng mensahe sa kaniyang ex.

"I'm sorry. And I believe in the saying 'If you love someone you're willing to let them go.' So I will let you go, and I still care," saad niya.--Jamil Santos/FRJ, GMA News