Tila nagpahiwatig si Bianca Umali kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila ni Ruru Madrid, na nali-link sa kaniya.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, sinabing puno ng hugot ang first single ni Bianca na "Kahit Kailan," na isinulat ni former Introvoyz drummer and composer na si Paco Arespacochaga

"Nung ni-record ko, nung napakinggan ko na, hindi ko inakala na sad song siya. Pero nung shinoot na namin yung muisc video, na-realize ko ang lungkot-lungkot pala nung kanta," sabi ng aktres, na certified singer na rin.

ADVERTISEMENT

Pero kung anong lungkot ng kanta ni Bianca, masayang-masaya naman daw ang aktres sa kaniyang personal na buhay at career.

Isa si Bianca sa leading ladies ni Dennis Trillo sa upcoming Kapuso primetime series na may working title na "Legal Wives," kung saan kasama rin niya sina Megan Young at Alice Dixson.

Bukod dito, bida rin si Bianca sa third season ng HBO dark fantasy thriller na "Half Worlds" na idinirek ni Mikhail Red.

"Kung ano 'yung nafi-feel ko ngayon, sobrang ang sarap mabuhay. Ganoon ka-happy, ganoon ka-fulfilled, ganoong ka-content," sabi ni Bianca.

Tungkol naman sa kaniyang love life, natanong ang aktres kung ano ba talaga ang real score sa kanila ni Ruru, na tumawag sa kaniyang "moonlight" sa isang social media post.

Tugon dito ni Bianca, "Happy ako, iyon lang po 'yung sasabihin ko."

Patuloy pa ng aktres, "Basta happy ako, happy siya, happy kami." --Jamil Santos/FRJ, GMA News