Naging bahagi ang ilang Kapuso stars "We Heal As One," na reinterpretation ng Southeast Asian (SEA) Games song na "We Win As One" para patatagin ang damdamin ng mga Pilipino sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ang bagong kanta ay composed ni Ryan Cayabyab at nanggaling kay Floy Quintos ang lyrics.

Ilan sa mga Kapuso stars na kasama sina Alden Richards, Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, Lani Misalucha, Christian Bautista, Mark Bautista, Rita Daniela, Ken Chan at Paolo Valenciano.

Kinanta nila ang "We Heal As One" sa kani-kanilang mga tahanan.--Jamil Santos/FRJ, GMA News